Wednesday, December 24, 2008

Poor Christmas


It's 9:30 pm, 2 hours and 30 minutes before Christmas.
Ang pasko ay ang kapanangakan ng ating tagapagligtas na si Hesukristo. Ang pasko ay ang panahon ng pagbibigayan. Ang panahon kung saan marami ang sale sa malls. Tuwing pasko din nag sasalo salo ang mga pamilya na malayo sa isa't - isa. Pero parang hindi yata ganun para sa iba?

Kahapon napanood ko ang episode ng Maalaala Mo Kaya sa Youtube na pinamagatang "Lason". Ito ay kuwento ng isang babae na namatayan ng Asawa at Anak. Ipinakita dito kung paano niya hinarap ang mga problema at kung paano siya halos sumuko. Ang kuwento ay umiikot sa probinsya sa Pilipinas, napapaligiran ito ng mga taniman at ang mga tao dito ay pag sasaka ang kinabubuhay. Ito ay isang Christmas story actually it is more of a depressing Christmas story but of course it was a happy ending.

Sa panonood ko, doon talaga tuluyang nabuksan ang aking mata sa kung paano napapabayaan ang minority especially ang mga magsasaka. Kung tutuusin sila nga ang mas deserve kumain dahil sila ang nagpapagod para may makain tayo tapos sila pa itong walang benepisyo, sila pa itong walang makain. Ang mga magsasaka at ortelano madalas niloloko, palibhasa hindi sila nakapag aral. Eh paano sila makakapag - aral kung wala naman silang perang pang - aral.

Kamakailan lang ay nag karoon ng fertilzier scam sa Pilipinas na kinakasangkutang ni Joc Joc Bolante, ang dating agriculture undersecretary. Kung saan P728 million na para sana sa agriculture sa Pilipinas ay nawala. Puro utang na nga ang bansa pero hindi pa rin matigilang ang buwaya sa pangungurakot. Ang binabayaran nga lang natin ay ang interes ng ating utang at hindi ang mismong utang tapos may mga tao pang may lakas ng loob na mag nakaw?

Dito sa lugar namin usap - usapan na ang mga government employees ay hindi mag susuweldo ngayong buwan, makakakuha lamang sila ng Christmas bonus. Makakapag suweldo pa lang sila sa January. Ang dahilan daw ay maraming utang ang binabayaran. Paano mangyayari 'yon eh ang mga ibang opisyales nasa ibang bansa at nag papakasarap.

Merong gobernador sa isang bayan sa Pilipinas, kung tutuusin ay malaki ang nagawa niyang pagbabago sa bayan na iyon, mas maraming pera ang pumapasok at maraming trabaho ang napamimigay. Dahil dito ay marami din ang may ayaw sa kanya sapagkat malimit na ang pangungurakot na nagagawa ng mga buwaya, dahil dito ay may smear campaign na nangyayari laban sa kanya.

Sa gobyerno kasi uso ang utak talangka, kapag nakikita nilang umaasenso ang isang tao ay hinahatak nila pababa. Parang ABS CBN at GMA, gusto nila isa lang, ayaw nila ng kahati.

Ang pasko ba ay pasko pa rin sa nakararami? Ewan ko ba, habang lumalaki yata ako ay nagiging mulat na ang mga mata ko sa katotohanang mahirap iwasan.

Pero naniniwala ako na maghihilom ang lahat, hindi nga lang agaran. Walang imposible sa Diyos! , kaya nga may isang sanggol sa sabsaban eh. Maligayang Pasko!
10:40 na pala, oh smile naman dyan!


Happy Christmas (War Is Over) - Sarah Brightman

0 comments: