Wednesday, May 13, 2009

Pangarap sa Gitna ng Ulan

ni Totsi Sison

Nakaupo ako sa lilim,
hinihintay na tumila ang ulan at mapuksa na ang dilim.

Nalugmok ako sa desisyon na hindi matapos - tapos
Mga pangarap na nais matupad upang mapuksa ang paghihikahos

Nanais ko ang pagbilis ng oras nang 'di ko mapansin ang mga panahon na naaksaya.
Patuloy akong makikinig sa mga ingay na tila nagbabadaya.

Habang nakikita ko ang maraming anyo ng pangarap
nakita ko ang aking sarili na nalulunod sa kawalan.
Mga mukha na nais lang ay ginhawa.

Alam kong may katapusan ang paghihirap
Matatapos ang ulan at mapapalitan ng sikat ng araw
Araw na magbibigay linaw sa aking mga pangarap.
Sa kasulukuyan ay hihintayin ko munang tumila ang ulan.