Dead End
tula ni Totsi Sison
Naka harap ako sa salamin sabay unat ng kulubot kong noo.
Matagal akong nakatitig at nasabi ko sa sarili kong "tumatanda ka na, may plano ka na ba?". Napaisip ako, habang narinig ko ang linya sa kantang hindi maalis sa isip ko, "kamukha mo si paraluman..." paulit - ulit, walang katapusan.
Sabi nila na ang buhay daw ay isang one way trip, wala ng balikan, tuloy - tuloy na sa dead end. Napaisip na naman ako, "lahat ba ng namamatay umaabot sa dead end?" sinagot ako ng asong ulol sa tabi ng halaman ng Dona Aurora, "ang buhay hindi natin malalaman ang importansya hangang 'di tayo namamatay" sumagot ako "may kaluluwa ka ba?".
Napaisip ito, napahinto, kaya umalis na lang ang kawawang aso.
Kring.... kring...
Oras na pala! Naglakad ako papuntang eskuwela
At sa pagtawid ko nakita ko ang babaeng palaging naka-ngiti sa tabi ng 7/11
Ngunit may iba, hindi siya nakangiti sa pagkakataong iyon
Dala ang sira - sirang walis tambo ay hinabol niya ang lalakeng kalbo.
"sa panaginip na lang pala kita maisasayaw..." Tapos na pala ang kanta.
"Mister Sison, you're late"

Lalim 'no? Actually joke joke lang 'yan. Wala ngang sense eh. Gusto ko lang subukang gumawa ng alternative poem.
0 comments:
Post a Comment